^

PSN Palaro

FEU booters kumakaway sa sweep

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumapit ang FEU sa sweep sa first round sa UAAP men’s football matapos ang 1-0 panalo sa UP noong Linggo sa FEU Diliman pitch.

Si Eric Giganto ang naghatid sa natatanging goal ng laro sa 81st mi­nute at ang Tamaraws ay mayroon ngayong limang sunod na panalo tungo sa nangungunang 15 puntos.

Ang puntiryang 6-0 sweep ay mangyayari sa Biyernes kalaban ang La Salle na mapapanood din ng live sa telebisyon.

Ang Archers ay nanalo rin sa karibal Ateneo, 2-1, para  malagay sa ikatlong puwesto sa bitbit ang 15 puntos.

Nakauna ang Eagles sa goal ni Emilio Acosta sa 65th minute pero itinabla ni Delo Diamante ang laro sa 76th minute.

Si Al Bustamante naman ang nagpanalo sa goal sa injury time at ang Archers ay may tatlong dikit na panalo matapos buksan ang kampanya tangan ang magkasunod na pagkatalo.

Ang kabiguan ng Maroons ang tumapos sa kanilang two-game winning streak at may anim na puntos habang ang Eagles ay natalo sa ikatlong pagkatalo matapos ang isang panalo at isang tabla para sa apat na puntos.

Magpapatuloy ang aksyon bukas at magtutuos ang Ateneo at National University sa ganap na ika-1 ng hapon at UP at UST dakong alas-3 ng hapon.

 

ANG ARCHERS

ATENEO

BIYERNES

DELO DIAMANTE

EMILIO ACOSTA

LA SALLE

NATIONAL UNIVERSITY

SI AL BUSTAMANTE

SI ERIC GIGANTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with