Pacquiao ‘di sang-ayon na i-ban ang boxing
MANILA, Philippines - Hindi sang-ayon ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa mga panawagan na i-ban ang larong boxing bunga ng pagkamatay ng 16-anyos na mag-aaral na si Jonas Joshua Garcia sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) sa Iba, Zambales.
Tinuran ni Pacquiao na sa contact sport na ito palaban lagi ang Pilipinas sa mga pandaigdigang torneo tulad ng Olympics.
“Hindi naman sagot ‘yung i-cancel ang boxing. Unang-una, dyan tayo kumukuha ng panlaban natin sa Olympics. Kailangan lang ng konting pag-iingat,†wika ni Pacquiao sa paÂnayam ng ABS-CBN.
Idinagdag pa niya na isa sa dapat tiyakin ng mga humahawak sa mga boksingero ay ang katiyakan na ang mga ito ay nasa maÂgandang kalusugan bago sumampa ng ring.
“Kailangang suriin maÂbuti ang mga bata na gusto mag-boxing. PangaÂlawa, bago bigyan ng laban may medical siya at siguraduhin na well-prepared siya sa fight. Kailangan training talaga,†dagdag ng natatanging boksingero sa mundo na nanalo sa walong magkakabisang weight class.
Ang panawagan na alisin ang sport sa PalaÂrong Pambansa ay umaani ng suporta dahil ang mga namamahala sa regional eliminations na gagawin sa 2014 Palaro sa Abril sa Sta. Cruz, Laguna ay nagsabing hindi na itutuloy ang boxing competition.
- Latest