PABA bumuo ng 15-man transition board
MANILA, Philippines - Bumuo na ang unified baseball group ng 15-kaÂtaong transitory board na maglalatag ng daan upang mapagsama-sama ang mga baseball groups tungo sa iisang eleksyon na balak mangyari sa Hunyo.
Kasama sa uupo sa board na binuo matapos ang pagÂpupulong noong nakaraang Huwebes ay ang mga opisyales ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) na sina Dr. Emmanuel Angeles at Marty Eizmendi.
Si Angeles na nanilbihan bilang PABA chairman ang kakatawan sa PRISAA habang si Eizmendi na inilagay bilang interim PABA president ang magrerepresenta sa nasabing asosasyon.
Ang iba pang inilagay sa board ay sina Martin CoÂjuangco, Atty. Felipe Remollo, Tintin Remollo, Pepe Munoz, Norman Macasaet, Fortunato Dimayuga, Felix Yulo, Chito Gonzales, Randy Dizer, Rodolfo “Boy†Tingson, Arsenic Laurel at Leslie Suntay.
Unang trabaho ng grupo ay ang ayusin na ang Constitution at By Laws bukod sa membership upang matiyak na mapapapasok ang ibang lehitimong baseball groups sa bansa.
Bago matapos ang taon ay nais nilang maplantsa na ang lahat ng ito upang maipasa sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa kanilang pagsang-ayon.
- Latest