3 Pinoy tracksters sasalang na
MANILA, Philippines - Tatlong pambato sa kaÂÂlaÂlÂakihan sa athletics ang sasalang ngayon at maghahanap ng mga gintong medalya para pasiglahin ang laban sa 27th SEA GaÂmes sa Wunna Theikdi Stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Sina dating SEAG gold medalists Arniel Ferrera at Henry Dagmil ay sasamahan ng 400m specialist Archand Christian Bagsit na pangunahan ang kanilang paboritong events at makaÂtulong sa pagpapainit sa malamig na kampanya ng Pilipinas sa tuwing kada- dalawang taong torneo.
Si Ferrera ay palaban sa hammer throw habang si Dagmil ay isasalang sa long jump katuwang si Benigno Marayag.
Lalaro rin ang lady athleÂtes na sina Riezel BueÂnaventura at Narcisa Atienza at ang una ay sa pole vault kakampanya habang si Atienza ay sasabak sa unang apat na events sa heptathlon.
Mataas ang paniniwala ng mga opisyales ng PATAFA na magiging produktibo ang laban ng mga bataan sa SEAG at hindi bababa sa anim ang gintong kanilang maiuuwi.
Si Bagsit na tatakbo sa 400m kasama si Edgardo Alejan ang isa sa mga itinuturing na patok sa karera dahil lalo itong gumaling matapos matalo sa ginto kay Heru Astriyanto ng Indonesia noong 2011 SEAG.
- Latest