Petecio nabiktima ng hometown decision: Gold kay Gabuco
NAY PYI TAW--Binigyan ni Josie Gabuco ng unang ginto ang panlaban ng Pilipinas sa 27th SEA Games boxing nang durugin si Beatrix Suguro ng Indonesia sa finals kahapon sa Wunna Theikdi Indoor Stadium dito.
Hindi nilubayan ni Gabuco, ang World champion sa pinweight pero lumalaban sa SEAG sa light flyweight, si Suguro mula sa first round upang kunin ang kumbinsidong 40-36, 40-36, 38-38, iskor.
Ngunit ang pangalawang lady pugs ng bansa na nasa finals na si feaÂtherweight Nesthy Petecio ay nabiktima ng hometown decision matapos matalo kay Ngwe Ni Oo ng Myanmar, 37-39, 37-39, 38-38.
Dominado ni Petecio si Oo dahil ginawa niya itong punching bag at ang mga tama niya ay sa ulo ng kalaban.
Halos mapaiyak na ang Burmese lady fighter bago inanunsyo ang desisyon bilang senyales na kahit siya ay alam na natalo sa laban.
Ngunit nabuhay ang maÂnonood nang sabihin na si Oo ang siyang nagwagi.
“Halatang-halata naman na si Nesthy ang nanalo. Lahat ng tao sa venue alam na siya ang panalo, pero wala tayong magawa dyan,†wika ni coach Nolito Velasco.
Ito ang ikalawang pagkakataon na nadaya ang boxer ng bansa matapos danasin ito ni 2010 Asian Games gold medalist Rey Saludar nang yumuko sa isa ring Myanmar fighter sa semis ng men’s flyweight division
Lima pang men’s boÂxers ang sumalang habang isinusulat ang balitang ito at inaasahang palaban sina Olympian at light flyweight Mark Anthony Barriga, bantamweight Mario Fernandez, lightweight Junel Cantancio, light welterweight Dennis Galvan at welterweight Wilfredo Lopez.
Sa iba pang kaganapan, inilapit ng Sinag Pilipinas ang kanilang kampanya sa ginto matapos igupo ang Indonesia, 83-52 para sa kanilang ikalimang sunod na panalo sa basketball event na nilaro sa Zayar Thiri Indoor Stadium.
Nagbigay naman ng bronze medals sina flyweight Maricris Igam at banÂtamweight Irish Magno katulad nina Joanna Mae Ylanan sa women’s -68kg kumite sa karatedo at GM Joey Antonio sa International individual blitz.
Pumangatlo naman sina dating world champion Efren “Bata†Reyes at Francisco dela Cruz matapos matalo sa kanilang mga VietnaÂmese opponents, habang natalo si Iris Ranola kay MagÂdaena, 4-7, sa kanilang 9-ball quarterfinals.
- Latest