Brooklyn sinagasaan ang Clippers; Portland pinasabog ang Rockets
NEW YORK--Tig-21 punÂtos ang ginaÂwa nina Andray Blatche at Joe Johnson at ang Brooklyn Nets ay kumuha ng 102-93 panalo laban sa Los Angeles Clippers noong Huwebes.
Nakadagdag kulay sa larong ito ang unang pagÂkikita sa magkabilang kampo ni coach Doc RiÂvers at mga manlalarong sina Paul Pierce at Kevin Garnett.
Matatandaan na ang tatlong personalidad na ito ay nagsama sa Boston Celtics at napagkampeon nila ang dating koponan noong 2008 season.
Nagkahiwa-hiwalay sila bago nagsimula ang season dahil nais ng CelÂtics na magpasok ng bago at batang manlalaro para paghandaan ang hinahaÂrap.
Sina Pierce at Garnett ay napunta sa Nets habang ang Clippers ang kumuha kay Rivers.
May mga naunang usaÂpan na ang tatlo ay magsasama-sama sa Clippers pero hindi ito natuloy.
Tumapos si Pierce bitbit ang 10 puntos habang isiÂnantabi ni Garnett ang pagkakaroon lamang ng dalawang fouls sa pagbibigay ng pisikal na depensa kay Blake Griffin.
Sina Brook Lopez at Deron Williams ay mayroon pang 16 at 15 puntos at ang Nets ay nanalo sa ikatlong sunod na pagkakataon sa season.
Si Chris Paul ay mayroong 20 puntos pero daÂlawa lamang ang kanyang assists para matalo ang Clippers sa unang pagkakataon matapos ang siyam na laro na gumawa si Paul ng 20 pataas.
Ang tagumpay nina Pierce at Garnett kay RiÂvers ay nagtulak sa kanila na hawakan ang 2-0 record sa ‘reunion tour’ sa mga dating Celtics.
Sa Portland, Oregon, tumaÂpos si LaMarcus Aldridge ng 31 puntos at career-high 25 rebounds upang pangunahan ang Blazers sa 111-104 panalo laban sa Houston Rockets.
Nagdagdag si Robin Lopez ng 16 puntos at 10 rebounds para sa Blazers, na inupuan ang pangunguna sa Western Conference standings sa taglay na 19-4 record.
Naglista si Dwight HoÂward ng 32 punÂtos at 17 rebounds para sa Rockets, tinalo ang Blazers, 116-101 noong Nov. 5.
- Latest