^

PSN Palaro

Ginebra pupuntirya ng panalo sa Barako Bull

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanggaling sa drama­tikong panalo laban sa three-time defending champions na Talk ‘N Text noong nakaraang Linggo, pipilitin ng Barangay Ginebra na masungkit ang kanilang ikalawang sunod na panalo.

Lalabanan ng Ginebra ang Barako Bull ngayong alas-8 ng gabi matapos ang banggaan ng mainit na Globalport at Alaska sa alas-5:45 ng hapon sa 2013-2014 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Isinalpak ni 6-foot-8 Japeth Aguilar ang isang krusyal na three-point shot sa natitirang 1.1 segundo para ilusot ang Gin Kings laban sa Tropang Texters, 97-95, noong Linggo.

Dahil sa naturang ta­gum­pay ng Ginebra ay nasolo nila ang ikalawang puwesto sa bisa ng ka­nilang 4-1 baraha sa ilalim ng Petron Blaze (6-0) kasunod ang Rain or Shine (4-2), Talk ‘N Text (3-2), Globalport (3-3), Meralco (3-3), Barako Bull (2-3), Alaska (2-4), San Mig Coffee (1-5) at Air21 (1-6).

Humakot si Aguilar ng 12 points, 12 rebounds at 7 shotblocks, samantalang kumolekta si 6’11 top overall pick Greg Slaughter ng 16 markers at 9 boards para sa come-from-behind win ng Gin Kings na tinambakan ng Tropang Texters ng 14 points sa third period.

Bukod kina Aguilar at Slaughter, muling aasahan ni head coach Ato Agustin sina Mark Caguioa, LA Tenorio, Mac Baracael, Jayjay Helterbrand at Chris Ellis katapat sina Willie Miller, Ronjay Buenafe, Mick Pennisi at JC Intal ng Barako Bull.

Nanggaling ang Energy sa 77-92 pagyukod sa Express noong Disyembre 7.

Sa unang laro, puntirya naman ng Batang Pier ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa Aces.

Nanggaling ang Globalport sa 90-88 pagtakas sa Rain or Shine noong Disyembre 8 at sa 93-89 pag­gupo sa Meralco noong Disyembre 6.

 

AGUILAR

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

DISYEMBRE

GIN KINGS

GLOBALPORT

N TEXT

NANGGALING

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with