32-yr old Phl record ni De Vega nabasag
MANILA, Philippines - Sinira ni Jenyrose RosaÂles ng University of the East ang 32-year-old Philippine reÂcord ni athletics great LyÂdia De Vega sa women’s 400 meter run.
Ito ay ginawa ni Rosales sa Season 76 athletics competitions ng UAAP na idinaÂos La Salle-Dasmariñas Track and Field Stadium.
Nagsumite ang 18-anÂyos na si Rosales ng baÂgong Philippine mark na 54.65 segundo na kanyang ginawa sa heats pa lamang ng 400m run.
Ito ang sumira sa 54.75 marÂka ni De Vega na kanÂyang itinala sa Manila SouthÂeast Asian Games noÂÂong 1981 sa maalamat na Rizal Memorial Oval.
Tumapos si Rosales na may mas mabagal na 56.03 seÂgundo para makuha ang gold medal kasunod ang mga kakamping sina NesÂlee Angco (57.62) at CarmeÂla Leonardo (58.14).
- Latest