^

PSN Palaro

Cycling icon na si Padilla pumanaw na sa edad na 67-anyos

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumakabilang-buhay na si dating cycling icon Atty. Cornelio A. Padilla Jr. no­ong Linggo sa edad na 67-anyos dahil sa sakit sa pu­so sa St. Lukes Hospital.

Inulila niya ang kanyang asawang si Atty. Luzvi­minda Padilla, ang ka­saluku­yang Philippine la­bor atta­che sa Washington D.C., at kanilang mga anak na si­na Jennifer, May, Nathalie at Jan Eli.

Ang mga labi ni Atty. Pa­dilla ay nakahimlay sa La Funeria Paz sa Araneta Ave­nue, Quezon City at ang cremation ay nakatakda sa Huwebes.

Hinasa ni “Paddy” ang kanyang husay sa pag­bibisikleta bilang isang news­paper delivery boy sa Project 4, Quezon City.

Bagito pa siya nang ma­nalo ng national cycling title at kinatawan ang bansa sa 1964 Tokyo Olympics.

Naging popular siya nang maging back-to-back champion ng Tour of Luzon no­ong 1966-1967. 

Hinirang si Atty. Padilla ng Philippine Sportwriters Association(PSA) bilang “Athlete of the Year.”

Sa kanyang pagreretiro sa cycling ay ginamit niya ang kan­yang mga kinita sa Tour pa­ra mag-aral ng abo­gasya.

ARANETA AVE

ATHLETE OF THE YEAR

CORNELIO A

JAN ELI

LA FUNERIA PAZ

PADILLA

PADILLA JR.

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with