Mercado ng Globalport hinirang na Accel-PBA Player of the Week
MANILA, Philippines - Matapos ang 1-3 paniÂmula ay bumangon ang GloÂbalport para magtala ng kaÂnilang kauna-unahang back-to-back wins sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.
At ang kanilang naging susi ay si point guard Sol Mercado.
Umiskor si Mercado ng isang personal conference-best na 33 points sa 93-89 panalo ng Batang Pier laÂban sa Meralco Bolts.
Matapos ang dalawang araw ay muling nanguna ang produkto ng Biola University sa 90-88 pagtakas ng Globalport laban sa Rain or Shine.
Dahil sa kanyang kaÂbayanihan, hinirang ang 5-foot-11 na si Mercado biÂlang Accel-PBA Press Corps. Player of the Week paÂra sa linggo ng Disyembre 2-8.
Tinalo ni Mercado para sa weekly honors ang kanyang kakamping si Jay WaÂshington at sina Petron Blaze center June Mar FaÂjardo at Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.
“I know you guys didn’t beÂlieve. Nobody really thought where we’ll be at right now. New coach in one week (before the start of the tournament), six rooÂkies, eight new guys. Who would have thought we’d be 3-3?†sabi ng 29-anyos na playmaker.
- Latest