Rigondeaux niyabangan si Donaire
MANILA, Philippines - Ipinagyabang kahapon ni Cuban unified world suÂper bantamweight titlist boÂxer Guillermo Rigondeaux na hindi pa nakakabangon si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. mula sa kanyang kabiguan sa kanilang laÂban noong Abril 16.
“Nonito, poor man,†sabi ni Rigondeaux sa panayam ng HustleBoss.com sa paÂmamagitan ng isang translator. “He’s traumatized after the beating that I gave him.â€
Tinalo ni Rigondeaux si Donaire via unanimous deÂcision.
Ito ang kauna-unahang kabiguan ng tubong Talibon, Bohol na si Donaire maÂtapos ang 11 taon.
Matagumpay na naidepensa ng Cuban two-time Olympic Games gold meÂdalist ang kanyang mga koÂrona matapos umiskor ng unanimous decision win konÂtra kay Joseph Agbeko noÂong Linggo.
Nakabawi naman si Donaire sa kanyang kaÂbiguan kay Rigondeaux maÂtapos kunin ang isang 11th round stoppage win laÂban kay Vic Darchinyan sa kanilang rematch noong Oktubre.
Hangad ni Donaire na maitakda ang kanilang muÂling pagkikita ni Rigondeaux sa susunod na taon.
“If he wants another beating,†wika ni Rigondeaux. “Tell him to come and get it.â€
- Latest