^

PSN Palaro

Petecio lalaban sa gold medal NAYPYITAW

Pilipino Star Ngayon

NAYPYITAW -- Umabante si featherweight Nesthy Petecio sa gold medal round matapos umiskor ng 40-36 panalo kontra kay Tassamalee Tsongjan ng Thailand sa kanilang wo­men’s semifinal match sa 27th Southeast Asian Games kahapon dito sa Wanna Theikdi Stadium.

Niresbakan ni Petecio si Tsongjan na tumalo sa kanya sa Asian Indoor Games sa Vietnam noong 2010.

Makakatapat ni Petecio para sa gold medal si Nwe Ni Oo ng Myanmar sa Hu­webes.

Nauna nang nakatiyak ang Pilipinas ng pitong bronze medal matapos ma­­kakuha ng bye ang lima sa 10 local pugs sa boxing com­petition.

Ang mga nakakuha ng bye patungo sa semifinals ng kani-kanilang mga weight divisions ay sina fly­­weight Rey Saludar, ban­­tamweight Mario Fer­nan­dez at middleweight Wilf­redo Lopez sa men’s di­vision at sina flyweight Ma­­ricris Igam at bantamweight Irish Magno.

Awtomatikong nakapa­sok sa semis sina light fly­weight Josie Gabuco at Pe­tecio dahil sa kakula­ngan ng entries.

Itinala ni 2011 Palembang SEA Games gold me­­dalist Dennis Galvan ang kanyang unang panalo ma­­tapos igupo si Ratha Svay ng Cambodia.

ASIAN INDOOR GAMES

DENNIS GALVAN

IRISH MAGNO

JOSIE GABUCO

MARIO FER

NESTHY PETECIO

NWE NI OO

PETECIO

RATHA SVAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with