Gumaan ang laban ng Malditas
NAY PYI TAW -- Nakakuha ng bentahe ang Malditas, ang Philippine women’s football team, nang umatras ang Indonesia sa kompetisyon sa 27th Southeast Asian Games dito sa Mandalar Thiri Stadium sa Mandalay.
Dahil dito, ang Pilipinas, Myanmar at nagdedepensang Vietnam ang bubuo sa Group A.
Umayaw naman ang Timor Leste sa torneo dahil sa kaÂkulangan ng players.
Ang Group B ay kinabibilangan ngayon ng Thailand, Laos at Malaysia.
Nakatakdang labanan ng Malditas ngayong araw ang Myanmar at hangad na maipakita na kaya nilang manalo ng gold medal.
Bilang paghahanda sa Myanmar SEA Games, lumahok ang Malditas sa Asian Football Confederation (AFC) Asian Cup qualifying tourney at sa Asean Football FeÂderation (AFF) Women’s Championship ngayong taon.
- Latest