Phl five sasalang na unang panalo kukunin sa Singapore
MANILA, Philippines - Magarang panimula ang hanap ngayon ng napapaborang men’s basketball team sa pagharap sa Singapore sa 27th South East Asian Games sa Zayar Thiri Indoor Stadium sa Nay Pyi Taw, Myanmar.
Sa ganap na alas-2 ng hapon (3:30 ng hapon sa Pilipinas) sisimulan ng koponang hawak ni coach Jong Uichico ang kampanÂya at paborito ang nagdeÂdepensang kampeon na manalo.
Ang anumang mataas na ekspektasyon sa Singaporean team matapos ang magandang resulta sa mga tune-up games sa Pilipinas at China ay naglaho matapos matalo sa Thailand, 69-59, sa pagbubukas ng laro kahapon.
Nakasalo sa maagang liderato sa men’s basketball na nilalahukan ng pitong bansa ay ang Malaysia na hiniya ang Indonesia, 61-53, sa isa pang laro.
Si 6’10 naturalized center Marcus Douthit ang mangunguna sa koponan bukod pa sa mga beteranong sina Garvo Lanete, Kevin Alas at Matt GaÂnuelas.
Naririyan din ang matitikas na collegiate players tulad nina Kiefer Ravena at Bobby Ray Parks Jr. na tiyak na magpapalakas sa opensa ng koponan.
Lalaro rin ang women’s National team kontra sa Malaysia sa unang sagupaan sa ganap na alas-10 ng umaga (12 ng tanghali).
Makikilatis kung nakapag-adjust ba ang tropa ni coach Haydee Ong dahil ang Malaysia ay nanalo sa Perlas sa FIBA-Asia for Women Championship sa Bangkok, Thailand.
Sina Fil-Am Melissa Jacob, Analyn Almazan at Joan Grajales ang magÂdadala sa koponang pinaÂlakas sa pagpasok ni UAAP MVP Camille Sambile at beteranang shooting guard Angeli Gloriani.
Limang bansa ang kaÂsali sa dibisyon at tulad sa men’s division, single-round robin ang mangyaÂyari at ang kukuha sa unang puwesto matapos ang ikutan ang kikilalaning kampeon ng torneo.
- Latest