Pinoy athletes makikipagbakbakan na
NAY PYI TAW--Ipinagkatiwala ng mga sports officials sa kakayahan ng Pambansang atleta ang laban ng Pilipinas sa 27th SEA Games sa tatlong lugar sa Myanmar.
Ang sentro ng kompetisyon ay sa Nay Pyi Taw at ang opening ceremony ay sa Miyerkules gagawin sa Wunna Theikdi Stadium.
May laro rin na gagawin sa Mandalay, Yangon at Ngwesaung Beach at ang Pilipinas na nagpadala ng 210 atleta ay magtatangka na pantayan kundi man ay lampasan ang 36 gold, 56 silver at 77 bronze medals na naglagay sa ikaanim na puwesto sa pangkalahatan noong 2011 sa Indonesia.
“Our athletes are here because they passed the criteria, which is their performance compared to the previous SEA Games, so whether they live up to expectations is up to them,†ani Chief of Mission at POC 2nd VP Col. Jeff Tamayo.
Lalaban ang mga atleta sa 26 mula sa 35 sports na nakahanay pero sa 167 events lamang may entry ang Pilipinas.
Dehado ang bansa dahil inalis ang mga events na maÂlakas ang Pilipinas habang ang Myanmar na pumangpito sa Indonesia, ay nagdagdag ng laro na pabor sa kanila.
Nakita na ang benepisyong nakuha ng host country dahil mayroon na silang walong gintong medalya bukod pa sa dalawang pilak at tatlong bronze medals para pansamantalang pangunahan ang medal standings.
Hindi naman pinanghihinaan ng loob ang delegasyon at humuhugot sila ng lakas sa mga kababayan na nabiktima ng kalamidad tulad ng lindol sa Bohol at ang super typhoon na Yolanda sa Tacloban, Leyte.
“We won’t go here without that in mind. They need something to cheer them up and we would like to do our part toward that end,†dagdag ni Tamayo.
Hinihiling lamang ng mga sports officials na kung puwede sana ay maghatid ng tig-isang ginto ang 26 sports upang tumibay ang layuning iniatang sa koponan.
“Kung isang ginto ay makapagbigay sila, magkakaroon na tayo ng 26 gold medals. Mayroon naman diyan na kayang makadalawa kaya’t makakaya natin ang mahigit na 30 gold medals,†ani naman ni POC treasurer at wushu secretary-general Julian Camacho.
Ang Pilipinas ay mayroon ng isang pilak na ipinagkaÂloob nina Daniel Parantac at John Keithley Chan sa men’s duilian noong Sabado.
Madaragdagan pa ito sa larangan ng sanshou habang ang boxing ay nakatiyak na rin ng anim na bronze medals dahil sa ‘luck of the draw.’
Ang wrestling at pencak silat ay magsisimula ngayon tulad ng kampanya ng men’s at women’s basketball.
- Latest