Thai boxing promoter tutulungang bumangon ang mga boksingerong napinsala ni Yolanda
MANILA, Philippines - Tutulungan ni Thai boÂxing promoter Naris Singwancha na makabangon ang mga aktibong boksiÂngero na naapektuhan ng bagyong Yolanda sa Tacloban, Leyte.
Inanunsyo ni SingÂwancha ang pagkakatatag ng Naris Singwancha FoundaÂtion sa bansa at iniÂhayag ang paglalagay niya ng $100,000.00 pondo (P4.2 milyon) na gagamitin para itulong sa mga naapekÂtuhang pamilya ng mga boxers.
Noong pang Disyembre, 2012, huling bumisita si Singwancha sa bansa at aminado na umiiwas na pumunta sa Pilipinas dahil kinukuwestiyon ang paggamit ng mga Filipino boÂxers ng kanyang apelyido kapag lumalaban.
Pero, mahal niya ang Philippine boxing at hindi niya matiis ang mga Pinoy boxers lalo pa’t napanood niya ang malawakang epekto ng pagkasira sa Tacloban dahil saYolanda.
“I am donating $100,Â000.00 to help active boÂxers and their families affected by Yolanda. Families will be receiving P20,000.00 each,†wika ni Singwancha sa press launch ng Foundation kahapon sa Manila Opera House sa Doroteo Jose, Sta. Cruz, Manila
Makikipagpulong siya sa Games and Amusements Board (GAB) para madetermina kung sinu-sino ang mga aktibong boÂxers na dapat na tulungan.
Sa Disyembre 28 ibibigay ni Singwancha ang tulong-pinansyal sa isang boxing promotion na gagawin ni promoter Aljoe Jaro sa Ynares Antipolo.
Dumalo rin sa pagtitipon sina local promoter Brigo Sandig, Dr. Naseer Cruz ng GAB at ang paÂngulo ng bagong tatag na ASEAN Boxing Federation na si Komol Charoenpanich ng Thailand dahil isinabay sa launching ang weigh-in sa pa-boxing ni Santig at Singwancha na gagawin ngayon sa Barangay Buayang Bato sa Mandaluyong City.
Tampok na labanan ay ang tatlong regional title fights sa pagitan nina Amor Tino ng Baguio City laban kay Japanese Toushiyou Aoki Makoto para sa WBC-ABF-PBF lightweight title; Rex Olisa at Magale Carlo Singwancha ng Thailand para sa kauna-unahang ABF featherweight title at Mike Tumbaga at Takaya Kakutani ng Japan sa PBF lightweight title.
- Latest