^

PSN Palaro

Blazers iginapos ang Thunder

Pilipino Star Ngayon

PORTLAND, Oregon--Humakot si LaMarcus Aldridge ng season-high na 38 points at nagdagdag ng 13 rebounds para banderahan ang Portland Trail Blazers sa 111-104 panalo laban sa Oklahoma City Thunder.

Winakasan ng Blazers ang eight-game winning streak ng Thunder.

Nagsalpak si Nicolas Batum ng isang 3-pointer sa huling 29.9 segundo na siyang sumelyo sa tagumpay ng Portland, naipanalo ang 14 sa kanilang huling 15 laro.

Tinapos din ng Blazers ang seven-game winning streak ng Thunder sa kanila.

Nagtala ang Thunder ng 12-point lead sa first half bago pangunahan ni Aldridge ang isang third-quarter rally ng Blazers para ilista ang 91-84 bentahe galing sa magkakasunod na 3-pointers nina Dorell Wright at Damian Lillard sa 7:58 sa laro.

Ang tres ni Russell Westbrook ang naglapit sa Thunder sa 94-95 kasunod ang free throws ni Reggie Jackson para sa kanilang 96-95 bentahe sa huling 5:34.

Umiskor si Aldridge ng isang layup at jumper para muling ilayo ang Portland sa 105-100.

Tumapos si Kevin Durant na may 33 points para sa Thunder.

Sa Salt Lake City,  tumi­pa si Paul George ng 19 points para igiya ang Indiana Pa­cers sa 95-86 panalo laban sa Utah Jazz.

Nagdagdag si Lance Stephenson ng 15 points, habang may 14 si Luis Scola at 13 si Roy Hibbert para sa Pacers.

Sa Milwaukee, naglista si Andre Drummond ng 24 points at 19 rebounds sa 105-98 paggupo ng Detroit Pistons sa Milwaukee Bucks.

ALDRIDGE

DAMIAN LILLARD

DETROIT PISTONS

DORELL WRIGHT

INDIANA PA

KEVIN DURANT

LANCE STEPHENSON

LUIS SCOLA

MILWAUKEE BUCKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with