Lady Tigresses nagpakilala na
MANILA, Philippines - Gumawa ng career-high na 20 hits si Jem Gutierrez habang ang mga inaasaÂhang sina Carmela Tunay at Pam Lastimosa ay nagsaÂnib sa 29 hits at ang bagong bihis na UST ay nanalo sa UP, 25-15, 22-25, 25-21, 25-22, sa pagpapatuloy ng UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
May 17 kills si Gutierrez at ang tampok na hataw ay nagbigay ng matchpoint sa Lady Tigresses sa fourth set. Natapos ang larong umabot ng isang oras at 44 minuto nang mag-error si Hannah Mangulabnan.
Si Tunay ay may 12 hits, dalawang blocks at tatlong aces bukod sa 10 digs habang si Ma. Loren Lantin ay naghatid ng 31 excellent sets bukod sa apat na aces para sa UST na nawalan ng apat na pambato noong nakaraang taon.
“Maganda ang confidence ng team lalo na si Jem. Sana magtuluy-tuloy ito,†pahayag ni UST coach Odjie Mamon na nakasalo sa liderato sa pahingang La Salle at National University.
Pinangunahan ni KaÂtherine Adrielle Bersola ang Lady Maroons sa kanyang 13 hits.
Masasabing hindi pinagpawisan ang FEU sa laro kontra sa UE nang maÂngaÂilangan lamang ng 65 minuto tungo sa 25-14, 25-15, 25-11, straight sets panalo sa ikalawang laro.
Si Bernadette Pons ang nanguna sa Lady Tamaraws sa kanyang 10 kills at nakatulong pa sa koponang hawak ni coach Cesael Delos Santos ang 32 errors ng Amazons upang makuha ang 1-0 baraha.
- Latest