Douthit magbibigay ng P500 sa bawat buslo at rebound sa SEAG
MANILA, Philippines - Bilang pakikiisa sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ magbibigay si naturalized player Marcus Douthit ng P500 sa bawat puntos at rebound na kanyang maitatala para sa Sinag, ang National men’s team, sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar.
Ito ang ipinangako ng 33-anyos na si Douthit bago tumulak ang Sinag noong Martes patungong Myanmar para sa 2013 SEA GaÂmes na nakatakda sa Disyembre 11-22.
“My heart goes out to all the families in Tacloban,†wika ng 6-foot-11 na si Douthit. “I’m also donating moÂney to Tacloban. Every point I score and every rebound I get, I donate P500.â€
Iniaalay ng Sinag ang kanilang mga laro sa Myanmar SEAG sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’.
Inaasahang dodominahin ng Sinag ang labanan sa Myanmar SEA Games matapos maghari sa 15 pagkakataon sa 18 pagdaraos ng men’s basketball event sa SEA Games.
Si Douthit, dating draftee ng Los Angeles Lakers, ang nakatulong sa Gilas Pilipinas para makamit ang silver medal sa 27th FIBA Asia Men’s Championships noong Agosto sa MOA Arena sa Pasay City.
- Latest