^

PSN Palaro

Unang gold sa SEAG pipilitin ng Perlas na iuwi

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang ibang gustong maiuwi ang mga Filipina cagers mula sa paglahok sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar kundi ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa women’s basketball event.

“The team is ready for the Southeast Asian Games, and we’re hoping to get our first gold medal,” wika kahapon ni Perlas head coach Haydee Ong sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.

Noong 2011 SEAG sa Palembang, Indonesia ay natalo ang Perlas sa nagreynang Thailand para sa gold medal round.

“Ang failure na ito ang inspirasyon namin para sa SEA Games,” ani co-team captain Merenciana Arayi.

Sapul noong 1977 ay hindi pa nananalo ng gintong medalya ang mga Pinay sa SEA Games.

Sa kabuuan ng partisipasyon ng women’s National team sa SEA Games ay humakot ang bansa ng pitong silver at pitong bronze medals, habang bumabandera ang Malaysia (13-0-1) kasunod ang Thailand (2-3-0).

Para palakasin ang tsansa ng Nationals sa gintong medalya ay hinugot ni Ong si UAAP MVP Camille Sambile ng Far Eastern University at ibinalik si Angeli Gloriani bilang kapalit nina Lalaine Flormata at Fria Bernardo.

Bukod kina Arayi, Sambile at Gloriani, ang iba pang miyembro ng Perlas ay sina Joan Grajales, Mary Joy Galicia, Chovi Borja, Melissa Jacob, Analyn Almazan, Bernadette Mercado, Cindy Resulta, Cassandra Tioseco at Denise Tiu.

Unang makakalaban ng Perlas sa Myanmar SEA Games sa Disyembre 9 ang Malaysia kasunod ang Thailand sa Disyembre 10, ang Indonesia sa Dis­yembre 15 at ang Myanmar sa Disyembre 16.

 

ANALYN ALMAZAN

ANGELI GLORIANI

BERNADETTE MERCADO

CAMILLE SAMBILE

CASSANDRA TIOSECO

DISYEMBRE

MYANMAR

PERLAS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with