Tres ni Westbrook naglusot sa Thunder sa panalo, Pistons pisak sa Lakers
AUBURN HILLS, MiÂchigan--Pinangunahan ni Jordan Farmar ang pagbangon ng Los Angeles Lakers mula sa 10 puntos tungo sa 106-102 panalo sa Detriot Pistons noong Biyernes sa NBA.
Limang sunod na puntos ang ginawa ni Farmar habang si Shawne Williams ay pumukol ng pa-Â nÂablang tres para tabunan ng Lakers ang 91-99 iskor sa pamamagitan ng 12-0 bomba. Hindi pa tapos si Farmar dahil ang kanyang malayong buslo ang nagpalamang sa Lakers bago ginawang apat ito ni Nick Young.
Nagkaroon ng pagkaÂkataon ang Pistons na makabawi pero hindi nakapitalisa ang oportunidad.
Si Wesley Johnson ay may 27 puntos, tampok ang anim na tres at ang LakÂers ay may 14-of-31 shooting sa 3-point line para balewalain ang 76-28 dominasyon sa ilalim ng Pistons.
Si Rodney Stuckey ay may 22 puntos habang may 19 rebounds bukod sa walong puntos at walong assists ang ginawa ni Josh Smith para sa Pistons.
Ang 76 puntos sa paint ay NBA season high pero nawalang-saysay ito dahil walo lamang ang kinolekta ng Pistons sa huling yugto.
Sa Oklahoma City, naipasok naman ni Russel Westbrook ang kanyang 3-pointer sa 0.1 segundo para ibigay sa Thunder ang113-112 panalo sa overtime laban sa Golden State Warriors.
May 34 puntos, tampok ang 10-of-25 shooting, si Westbrook habang si Kevin Durant ay naghatid pa ng 25 puntos at ang Thunder ay nanalo sa ikaanim na sunod na laro at pang-siyam na diretso sa homecourt.
May 32 puntos si Stephen Curry at si Harrison Barnes ay may career-high na 26 marka para sa Warriors.
Ang reversed lay-up ni Barnes ang nagbigay sa Warriors ng 112-111 kalamangan pero sinuwerte si Westbrook sa binitiwang tres at umuwing talunan ang Golden State
Sa Toronto, umiskor si LeBron James ng 27 puntos at nagdagdag si Dwyane Wade ng 22 puntos at kinuha ng Miami ang kanilang ikasiyam na sunod na panalo sa pamamagitan ng 90-83 panaÂnaig laban sa Raptors.
- Latest