Baguio Spikers dinomina ang Shakey’s Northern Luzon leg
MANILA, Philippines - Bumangon ang Baguio City National High School mula sa isang two-set deficit para talunin ang Benguet State University, 23-25, 20-25, 25-13, 25-21, 15-11, at angkinin ang Northern Luzon leg crown ng Shakey’s Girls’ Volleyball League sa Davao Doctors College gym.
Bagamat nabigo sa daÂlawang sets, hindi nawalan ng loob ang mga Baguio tossers matapos sikwatin ang third set patungo sa kanilang tagumpay.
Napanatili nila ang kaÂnilang porma sa fifth fraÂme at hindi na binigyan ng tsansa ang mga BSU spikers na makabalik para kunin ang titulo at ang tiket sa Tournament of ChamÂpions sa 2014.
Tumapos naman sa ikatlo ang University of the Cordilleras sa week-long event na itinataguyod ng Shakey’s at inorganisa ng Metro Sports ni president Freddie Infante.
Makakasama ang Baguio City NHS sa mga reÂgional winners ng event, suportado ng Mikasa, Asics, Tune Hotel, Burlington, BioFresh, Food Health and Science Magazine, sa T-of-C sa Enero 13-17, 2014 sa Ninoy Aquino Stadium.
Kasama nila ang University of San Jose-Re-ÂÂ cÂoletos, Central Philippine University, Leyte National High School, Angeles University Foundation at ang Ateneo de Davao.
Naghari naman ang Hope Christian High School sa National Capital Region leg sa ikalawang sunod na taon matapos walisin ang University of Santo Tomas, 25-22, 25-23, 25-18.
Kasalukuyan pang piÂnaglalabanan ang SouÂthern Luzon leg crown sa Imus City, Cavite.
Ang dalawang guest foreign teams mula sa Australia at New Zealand ang magpapahigpit ng labanan sa T-of-C, ayon kay tournament director Johanz Buenvenida ng Metro Sports.
- Latest