Calamba pinalitan ni Babanto sa Myanmar SEAG
MANILA, Philippines - Hindi na makakasama sa Pambansang deÂÂlegasyon patungong Myanmar SEAG si world poomsae champion Mikaela Calamba.
Si Calamba ay nagpasÂyang huwag ng sumama sa delegasyon dahil sa kanyang pag-aaral at usapin sa pamilya.
Inaasahan si Calamba na makakatulong sa puntiryang gintong medalya sa women’s poomsae team na kabibilangan din nina Rani Ann Ortega at Ma. Carla Janice Lagman matapos mangibabaw sa World championships sa Bali, Indonesdia.
“We’re disappointed but we’re still confident because we have a competitive team,†wika ni coach Jean Pierre Sabido.
Si Rinna Babanto na tulad ni Calamba ay tubong Cebu ang papalit sa kanyang puwesto.
Ang men’s poomsae team ay bubuuin nina Raphael Enrico Mella, Vidal Marvin Gabriel at Dustin Jacob Mella.
Si Babanto ang bagong mukha sa Pambansang delegasyon na umakyat na naman ang bilang tungo sa 209 atleta.
Tinanggap na ng Task Force SEA Games ang wrestler na si Jimmy Angana bukod pa sa paghabol ng mga wushu artists Kariza Kriz Chan at Natasha Enriquez sa duilian.
Ang Pilipinas ay sasali na rin sa muay matapos ipasok sina Philip Delarmino, Preciosa Ocaya at Jonathan Polosan.
- Latest