^

PSN Palaro

2 pang Pinoy wagi sa Macau

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maliban kay Manny Pacquiao, nagposte din ng panalo ang dalawa pang Filipino fighters na nasa undercard ng laban niya kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios kahapon sa The Venetian sa Macau, China.

Pinabagsak ni super featherweight Harmonito Dela Torre si Jason Butar-Butar ng Indonesia sa third round ng kanilang four-round, non-title bout.

Binugbog ng tubong General Santos City na si Dela Torre si Butar-Butar  sa bodega bago kumonekta sa ulo ng Indonesian boxer na naging dahilan ng pagtumba nito.

Pinaganda ng 19-anyos na si Dela Torre ang kanyang win-loss record sa malinis na 11-0 tampok ang 6 knockouts.

Pinigil naman ni super welterweight Dan Nazareno Jr. si Liam Vaughan sa se­cond round para sa kanyang 18-10 marka.

Sina Nazareno at Vaughan ang mga tuma­yong sparmates ni Pacquiao sa kanyang Pacman Wild Card Gym sa General Santos City.

Samantala, pinasa­la­matan naman ni two-time Olympic Games gold me­dalist Zou Shiming ng China si Pacquiao dahil sa kanyang unanimous decision win kontra kay Mexican Juan Toscano sa isa pang non-title fight.

Halos anim na linggo nagsanay ang 34-anyos na si Shiming (3-0) sa training camp nina Pacquiao at trainer Freddie Roach.

 

vuukle comment

BAM BAM

DAN NAZARENO JR.

DELA TORRE

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

HARMONITO DELA TORRE

JASON BUTAR-BUTAR

LIAM VAUGHAN

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with