Arles pasok sa quarters ng BWC
KRASNOYARSK, RusÂsia--Napanatili ni Maria Lourdes (Mades) Arles ang magandang ipinakikita sa 49th Qubica AMF Bowling World Cup para umabante sa quarterfinals sa women’s division na idinadaos dito.
Walo pang laro ang hinarap ng mga kasali at si Arles ay nakagawa na ng 7392 pinfals para malagay sa ikaapat na puwesto.
Si Caroline Lagrange ng Canada ang nanguÂnguna sa 7809 kasunod si Aumi Guerra ng Dominican Republic (7689) at Danielle McEwan ng US (7571).
Sina Cherie Tan ng Singapore (7373), Roosa Lunden ng Finland (7326), Thashaina Seraus ng Aruba (7227) at Luminita Farkas Bucin ng Romania (7134) ang kukumpleto sa walong bowlers na nasa quarterfinals.
Walong laro uli ang haharapin ng mga ito para madetermina ang nanguÂngunang tatlong bowlers na maglalaban sa semifinals at finals.
Tanging si Arles na lamang ang sasandalan ng bansa dahil napatalsik na si Benshir Layoso sa men’s division nang tumapos lamang sa 17th puwesto sa 24 qualifiers sa 7390.
Si Peter Hellstrom ng Sweden ang nagdodo mina sa qualifying stage matapos maglista ng 5892 pinfalls para sa kanyang 245.50 average.
Pumangalawa naman si Mats Maggi ng Belgium sa pinagulong na 5861 kasunod sina Alexei Parshukov (5836) ng Russia, Or Aviram (5778) ng Israel at Guy Caminsky (5752) ng South Africa.
- Latest