^

PSN Palaro

Lady Troopers reresbak; HD Spikers asam ang 2nd win

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Arena)

2 p.m. Cignal vs RC Cola (W)

4 p.m. Petron

vs TMS PH Army (W)

6 p.m. Systema

 vs Giligan’s (M)

 

MANILA, Philippines - Asahan ang malakas na paglalaro galing sa nagdedepensang kampeon TMS-Philippine Army habang ikalawang panalo sa tatlong laro ang hahagipin ng Cignal sa pagpapatuloy ngayon ng Philippine Super Liga volleyball Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kalaban ng Lady Troo­­­pers ang Petron na magsisimula matapos ang pagkikita ng HD Spikers at baguhang RC Cola sa ganap na alas-2 ng hapon.

May 2-1 baraha ang TMS-PA at galing sa 13-25, 20-25, 22-25, straight sets pagkatalo  sa PLDT MyDSL sa huling laro upang makasalo ang pa­hi­ngang Cagayan Valley sa pangalawang puwesto sa 2-1 karta.

Ang Thai open spi­ker na si Luangtonglang Wa­nitchaya ay muling makiki­pagtulungan kina Japanese libero Yuki Murakoshi bukod pa sa mga locals na sina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak, Mary Jean Balse at Michelle Carolino.

Tiyak namang magsisikap din ang Blaze Spikers na manalo para wakasan ang dalawang sunod na kabiguan upang samahan nila sa huling puwesto ang Raiders sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB).

Sa huling laro dakong alas-6 ng gabi ay pagpupursigihan ng Giligan’s na makumpleto ang 3-0 sweep sa elimination round laban sa Systema sa men’s division sa ligang may ayuda rin ng Asics, Mikasa, LGR, Jinling Sports at Solar Sports.

ANG THAI

BLAZE SPIKERS

CAGAYAN VALLEY

CIGNAL

GILIGAN

GRAND PRIX

INTERNATIONAL VOLLEYBALL FEDERATION

JINLING SPORTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with