^

PSN Palaro

Arles nagpagulong ng perfect game, pasok sa 2nd round

Pilipino Star Ngayon

KRASNOYARSK, Russia--Nagpagulong ng isang perfect game si Philippine bet Mades (Maria Lourdes) Arles para umabante sa second round ng 49th Qubica AMF Bowling World Cup international finals dito sa Krasnoyarsk Center.

Tumapos si Arles na pang-lima sa kanyang pinagulong na 5563 pinfalls sa 24 games na natulu­ngan ng kanyang 300 game  patungo sa 24-pla­yer women’s division.

Inaasahan ding makakaabante si Benshir Layoso sa kanyang pag-okupa sa ninth spot matapos ang 18 games sa likod ng kanyang 4268.

Pinangunahan ni Caroline Lagrange, nagposte din ng perfect game, ng Canada ang naturang individual kegfest sa pagtatala ng 5956 sa women’s group.

Pumangalawa naman si Dominican Republic pride Aumi Guerra sa kanyang 5751 kasunod sina Danielle McEwan (5649) ng USA, Cherie Tan (5605) ng Singapore, Arles, Thasiana Seraus (5463) ng Aruva, Luminita Farkas Bucin (5388) ng Romania, Roosa Lunden (5384) ng Finland at Viviana Delgado Cruz (5365) ng Costa Rica. 

Binanderahan ni Peter Hellstrom ng Sweden ang men’s group sa kanyang 4679 sa itaas nina Alexei Parshukov (4397) ng Russia, Mats Maggi (4359) ng Belgium, Bodo Konieczny (4333) ng Germany, Guy Caminsky (4329) ng South Africa, Tore Torger­sen (4303) ng Norway, Or Aviram (4301) ng Israel, Humberto Vasquez (4300) ng Mexico, Layoso at Chris Sloan (4252) ng Ireland.

 

ALEXEI PARSHUKOV

AUMI GUERRA

BENSHIR LAYOSO

BODO KONIECZNY

BOWLING WORLD CUP

CAROLINE LAGRANGE

CHERIE TAN

CHRIS SLOAN

COSTA RICA

DOMINICAN REPUBLIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with