^

PSN Palaro

Cagayan Valley at Blackwater umiskor Hogs’ Breath wagi sa Wangs

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 n.n. Arellano vs Jumbo Plastic

2 p.m. Derulo Accelero vs Big Chill

4 p.m. NU-Banco de Oro vs NLEX

 

 

MANILA, Philippines - Uminit ang mga kamay nina Jensen Rios, Paul Sa­nga at Bacon Austria sa huling yugto para tulungan ang Hog’s Breath sa 109-93 panalo kontra sa Wang’s Basketball na sinabayan din ng pagbalikwas mula sa unang kabiguan ng Cagayan Valley at Blackwater Sports sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig Cup.

Kumana ng tatlong tres si Rios sa huling yugto upang makipagtulungan kina Sanga at Austria para magtapos ang Razorbacks bitbit ang 35 puntos.

Bago ito ay gumawa ng 30 puntos ang koponan ni coach Caloy Garcia sa ikalawang yugto sa pagtutulu­ngan ng mga bagong pasok na Letran players na sina Ke­vin Ra­cal at Jonathan Belorio.

“We shot well from the perimeter and that was the key,” wika ni Garcia na ang koponan ay gumawa ng 13 triples sa laro.

Tig-17 puntos sina Rios at Sanga habang sina Racal, Philip Paniamogan, Austria  at Belorio ay nagdagdag pa ng 15, 14, 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, at ang Razorbacks ay umangat sa ikalawang puwesto sa 3-0 baraha.

Bagsak ang Couriers sa ikatlong pagkatalo sa apat na laro at hindi nila nasakyan ang momentum dulot ng unang tagumpay na kinuha sa Cebuana Lhuiller, 82-78.

May 22 puntos si Ken Ighalo, habang pinagsamang 30 puntos ang ibinigay nina Don Trollano at Prince Cape­ral para bigyan ang Rising Suns ng 84-54 pamamayagpag laban sa Boracay Rum.

Nagtrabaho nang husto ang tropa ni coach Alvin Pua sa first half para hawakan ang 49-21 bentahe patungo pagtatala ng 5-1 baraha.

Nanumbalik naman ang tikas ng Elilte sa huling yug­to para makumpleto ang pagbangon mula 12 puntos na pagkakalubog para sa 71-69 panalo kontra sa kinapos na NU-Banco de Oro sa ikatlong laro.

May 15 puntos si Hyram Bagatsing at ang kanyang siyam na sunod na puntos na pinagningas ng dalawang tres ang nagbigay sa Elite ng 61-57 kalamangan matapos maiwan sa 42-54 sa ikatlong yugto.

Ang jumper ni Bobby Ray Parks Jr. ang nagdikit sa NU-BDO sa 70-69.

ALVIN PUA

BACON AUSTRIA

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BOBBY RAY PARKS JR.

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

PUNTOS

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with