Kasparov nag-pledge ng $10K para sa mga biktima ng ‘Yolanda’
MANILA, Philippines - Noong 1992 pa siya huÂling bumisita sa Pilipinas at kahapon ay kaagad nangaÂko si dating world chess chamÂpion Garry KaspaÂrov ng tulong na $10,000 paÂra sa mga nasalanta ng bagÂyong ‘Yolanda’.
Sinabi ni Kasparov, duÂmaÂting sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaÂsama si FIDE Secretary General Ignatius Leong saÂkay ng Thai Airways TG 620, na narito siya para kuÂÂmuha ng suporta sa kanÂÂyang pagtakbo para sa 2014 FIDE presidency.
“I’m here to meet with the Philippine Chess FeÂdeÂration about my bid to preÂsidency in FIDE,†ani KasÂparov.
“But the current situaÂtion in the country, the horriÂble catastrophe, I think it is appropriate to commit 10 thousand US dollars as help,†dagdag pa nito.
Sinalubong si KaspaÂrov sa airport nina NatioÂnal Chess Federation of the Philippines (NCFP) preÂsident Prospero “Butch†PitÂchay, Grandmaster EuÂgene Torre at NCFP secÂretary General Jayson GonÂzales.
Inaasahang makakalaÂban ni Kasparov para sa FIDE presidential race ang pangulong si Kirsan Ilyumzhinov na asam ang kanyang ikaanim na sunod na termino.
Nauna nang bumisita si Kasparov sa Indonesia, Singapore at Thailand kung saan niya tinalakay ang global chess development sa Asian region pati na ang kanyang ambisÂyong maging presidente ng FIDE.
“You know, this coming FIDE election is a competition for better ideas,†sabi ni Kasparov sa FIDE preÂsidential election.
Huling bumisita sa bansa si Kasparov noong 1992 nang saksihan niya ang pagÂtatayo ng isang chess plaÂza sa Luneta Park.
- Latest