Pacquiao pinag-aaralan kung paano tatalunin si Rios
MACAU – Halos lahat ng posibleng estratehiya ay piÂnag-aaralan na nina Manny Pacquiao at chief trainer Freddie Roach para talunin si Brandon ‘Bam Bam’ Rios.
“We are studying different strategies. If he fights toe to toe it’s okay. I’m prepared for that. I’m not focusing on one style,†wika kahapon ni Pacquiao sa kanyang pag-eensayo sa gym sa The Venetian dito.
Nakatakdang magharap sina Pacquiao at Rios para sa World Boxing Organization (WBO) International welÂterÂweight crown sa Nobyembre 24.
Kung sakaling manalo si Pacquiao kay Rios ay maÂaaring itakda ang kanilang rematch ni Timothy Bradley, Jr. na siyang may suot ng WBO welterweight title.
Inagaw ni Bradley kay Pacquiao ang nasabing koÂrona mula sa isang kontrobersyal na split decision noong Hunyo 9, 2012.
Matapos ito ay pinabagsak naman ni Juan Manuel MarÂquez si Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pagtatagpo noong Disyembre 8, 2012.
Labing isang buwan na matapos ang huling laban ni Pacquiao.
At sa naturang panahon ay marami ang kumuwestiyon sa kakayahan ni Pacquiao na makabangon mula sa nasabing dalawang sunod niyang pagkatalo.
Sinabi ni Pacquiao na hindi pa siya laos.
“I did my best but that’s boxing. It happens. And I lost the fight,†wika ni Pacquiao.
Ayon kay Pacquiao, wala pa sa isip niya ang pagrereÂtiro.
Ngunit sinabi ni chief trainer Freddie Roach na kung maÂtatalo si ‘Pacman’ kay Rios ay maaari nilang pag-usaÂpan ang tuluyan na niyang pagtigil sa pagboboksing.
“I’m still hungry to fight,†ani Pacquiao.
Marami ang nagsasabing magaang tatalunin ang 27-anyos na si Rios.
Ngunit hindi nagkukumpiyansa ang 34-anyos na SaÂrangani Congressman.
“I’m not underestimating him. I know he worked hard in training,†sabi ni Pacquiao.
Kaagad na magtutungo sa Tacloban si Pacquiao isang araw matapos ang kanilang upakan ni Rios sakay sa isang chartered PAL plane.
Ito ay para tumulong sa mga nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ sa Tacloban na hindi niya nagawa dahil sa pagÂkagahol sa panahon sa pag-eensayo sa General SanÂtos City.
“After the fight I will go to Tacloban and stay there for a few days,†wika ni Pacquiao.
- Latest