NLEX, Big Chill umiskor ng panalo
MANILA, Philippines - Gumana ang kamay ng mga national players na sina Garvo Lanete, Matt GaÂnuelas at Kevin Alas paÂra bigyan ang NLEX Road Warriors ng 93-60 panalo konÂÂtra sa Arellano UniverÂsiÂty sa PBA D-League AspiÂrants’ Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Si Lanete ay may 19 points, habang si GanueÂlas ay may 16 at 12 ang idiÂnagdag ni Alas para sa Road Warriors.
Limitado lamang ang oras na ibinigay kina Ola AdeoÂgun, Rome dela RoÂsa, Kyle Pascual at Ryusei Koga pero naramdaman din ang kanilang puwersa sa pinagsamang 21 puntos.
Napagtagumpayan naman ng Big Chill na maitala ang pinakamagandang paÂnimula sa liga matapos tuÂhugin ang pang-apat na suÂnod na panalo sa 81-78 pagwawagi sa Cebuana Lhuillier sa ikalawang laro.
May 13 puntos si JecksÂter Apinan at ang kanyang three-point play ang bumaÂsag sa huling tabla sa 77-all para ipalasap din sa Gems ang ikatlong pagyukod maÂtapos ang apat na laÂbanan.
Sina Josan Nimes at Jens Knuttel ay mayroong 20 at 14 puntos, ayon sa pagÂkakasuno, para naman sa 83-73 pananaig ng Café France kontra sa Derulo Accelero.
- Latest