^

PSN Palaro

Lacuna lalangoy sa Myanmar SEAG

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na ang panlaban ng Pilipinas sa swimming event sa Myanmar SEA Games matapos isama na sa talaan ang London Olympian na si Jessie King Lacuna.

Sinang-ayunan ni POC president Jose Cojuangco Jr. at PSC chairman Ricardo Garcia ang apela ni swimming president Mark Joseph na ipasok na rin si Lacuna na beterano ng 2009 Laos at 2011  Palembang, Indonesia SEA Games.

Hindi naman kailangan ng Task Force SEA Games na ihabol pa ang pangalan ni Lacuna sa Myanmar SEA Games Organizing Committee dahil nakasama siya sa entry-by-name na ipinasa ng bansa noon pang Oktubre.

Ang mga naunang binigyan ng go-signal ay sina Fil-Ams male tan­kers Joshua Bada Hall at Matt Louis Abad Navata  at  London Olympian Jasmine Alkhaldi na natatanging lady tanker ng delegasyon.

Nalagay sa alanganin si Lacuna dahil nagkaroon lamang siya ng isang pilak at dalawang bronze me­dals sa Palembang.

Ang criteria na inilagay ng Task Force ay pawang mga gold medal potential lamang ang isasama.

Si Lacuna ang lalabas na ika-203 manlalaro ng delegasyon.

Noong 2011, ang Pilipinas ay nanalo ng 36 ginto, 56 pilak at 77 bronze me­dals pero naniniwala sina Cojuangco at Garcia na puwedeng maka-40 ginto ang ipadadalang de­legasyon sa Myanmar base sa masinsinang screening na ginawa ng Task Force.

 

GAMES ORGANIZING COMMITTEE

JESSIE KING LACUNA

JOSE COJUANGCO JR.

JOSHUA BADA HALL

LONDON OLYMPIAN

LONDON OLYMPIAN JASMINE ALKHALDI

MARK JOSEPH

MYANMAR

TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with