Gilbuena, Poliquit kampeon sa MILO Marathon Tarlac leg
MANILA, Philippines - Muling nagreyna si local winner Miscelle Gilbuena sa ikalawang sunod na taon sa qualifying leg ng 37th National MILO Marathon sa Tarlac City.
Inungusan naman ni veteran runner Rafael Poliquit si dating MILO Marathon King Julius Sermona sa men’s division.
Nagsumite ang 25-anyos na si Gilbuena ng tiyempong 1:28:06 para iwanan sina 2012 second placer Berna Pulmano (1:36:13) at Melinda de los Reyes (1:42:16).
Sa huling 10 metro naman lumayo ang 24-anyos na si Poliquit upang irehistro ang oras na 1:12:38 at talunin sina Sermona (1:12:47) at Elmer Sabal (1:13:53).
Sina Gilbuena at Poliquit ay parehong miyembro ng Philippine Air Force.
Sa kabuuang 12,089 students at running enthusiasts, tanging 55 runners lamang ang makakatakbo sa MILO National Finals sa Disyembre.
Makakalaban nila ang 500 pang elite runners para sa championship title at isang all-expenses paid trip sa 2014 Paris Marathon.
Sinabi naman ni Gilbuena na iniaalay niya ang kanyang panalo sa pamilya niya sa Cebu na biktima rin ng bagyong ‘Yolanda’. Sina Gilbuena at Poliquit ay kapwa nagbulsa ng premyong P10,000.
- Latest