^

PSN Palaro

Cagayan minantsahanng Hog’s Breath Cafe

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakawala ng 19-2 bomba ang Hog’s Breath Café sa huling yugto para ipatikim sa Cagayan Valley ang kauna-unahang pagkatalo, 82-78, sa PBA D-League Aspirants’ Cup kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 18 puntos si Philip Paniamogan habang 16 ang idinagdag ni Paul Sanga, kasama ang go-ahead triple, upang umangat din ang Razorbacks sa 3-0 baraha.

Nanalo ang koponan kahit hindi nakasama ang head coach na si Caloy Garcia na diniskartehan at naipanalo ang Letran sa Game 2 ng NCAA Finals.

Nagwakas ang apat na sunod na panalo ng Rising Suns at pinamunuan sila ni Don Trollano sa kanyang 16 puntos.

Lumabas naman ang galing uli ni Chris Banchero para tulungan ang Boracay Rum na matapos ang magkasunod na pagkatalo sa 73-63 panalo sa NU-Banco de Oro habang ang Jumbo Plastic ay hiniya ang Zambales M-Builders sa 80-62 panalo sa naunang dalawang laro.

vuukle comment

BORACAY RUM

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

CALOY GARCIA

CHRIS BANCHERO

D-LEAGUE ASPIRANTS

DON TROLLANO

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

PAUL SANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with