^

PSN Palaro

Smart age group taekwondo tourney sisipa sa Nov. 16

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapatuloy ang Phi­­lippine Taekwondo Association sa pagtuklas ng talento sa paglarga ng 2013 Smart National Age  Group championships sa Nobyembre 16 at 17 sa Ninoy Aquino Stadium.

Nasa 1,500 jins, ka­sa­ma ang mga edad apat na taong gulang, ang mag-aasinta ng panalo sa dalawang araw na torneo na suportado ng Smart Communications Inc., MVP Sports Foundation, PLDT, TV5, Meralco at Philippine Sports Commission (PSC).

Ang pagpasok ng mga batang jins ay ikinatuwa ni PTA CEO at organizing committee chairman Sung Chon Hong dahil makakatulong ito para lumakas ang kanilang grassroots development para sa mga panghinaharap na torneo tulad ng World Championships, Asian Games, SEA Games at Asian University Championships.

Ang mga dibisyong pag­lalabanan ay sa Junior men at women (15-17), Cadet boys at girls (12-14), at Grade school boys at girls (11-years old pababa).

Ang torneong ito ay gagawin matapos ang ma­tagumpay na kampanya ng Pambansang atleta sa sa 8th World Poomsae Championships sa Bali, Indonesia nang manalo ang ipinanlaban ng tatlong ginto, dalawang pilak at isang bronze medals.

Sa Nobyembre 17 ang opening ceremony sa ala-1 ng hapon at kasama rito ang pagpapakitang-gilas ng Philippine Taekwondo Demonstration Team.

ASIAN GAMES

ASIAN UNIVERSITY CHAMPIONSHIPS

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILIPPINE TAEKWONDO DEMONSTRATION TEAM

SA NOBYEMBRE

SMART COMMUNICATIONS INC

SMART NATIONAL AGE

SPORTS FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with