^

PSN Palaro

Lakers rumesbak sa Pelicans

Pang-masa

LOS ANGELES--Bi­na­­wian ng Lakers ang New Orleans Pelicans, 116-95,  sa likod ng career-game ni Jordan Hill na nangyari noong Martes sa NBA.

Sa kanyang unang start sa season, si Hill ay tumugon bitbit ang career-high 21 puntos at 11 rebounds habang sina Nick Young at Pau Gasol ay nagbigay ng solidong suporta upang maisantabi ang 85-96 pagkatalo ng Lakers sa Pelicans noong Biyernes.

May 17 puntos si Young habang 14 points at 8 rebounds ang naihatid ni Gasol at ang Lakers ay nanalo sa ikalawang pagkakataon sa  huling pitong laro.

Sina Jodie Meeks at Xavier Henry ay tumapos pa taglay ang tig-15 puntos at tinapos ng Los Angeles ang laban sa first half pa lamang nang makalayo sa 20 puntos tungo sa ika-12 panalo sa huling 13 laro laban sa Pelicans.

Sa Miami, gumawa ng 33 puntos si LeBron  James para tulungan ang Heat sa 118-95 panalo sa Milwaukee Bucks.

May 15 puntos at pitong assists si Mario Chalmer, si Chris Bosh ay may 10  puntos habang 19 ang ibinigay  ni Michael Beasley ga­ling sa bench at ang Heat ay nanalo sa ikalimang pagka­kataon matapos ang walong laban.

Sa Dallas, pi­nag­ning­ning ni Dirk Nowitzki ang 105-95 tagumpay ng Ma­vericks sa Washington Wi­zards nang agawin ang ika-16th puwesto sa NBA career scoring list.

May 19 puntos si No­witz­ki para magkaroon ng 25,197 puntos at itulak sa 17th place si Jerry West na may 25,192 puntos.

Tumipa ng dalawang tres si Nowitzki sa ikatlong yugto at ang huling triple ang nag-angat sa kanya ng dalawang puntos kay West.

CHRIS BOSH

DIRK NOWITZKI

JERRY WEST

JORDAN HILL

LOS ANGELES

MARIO CHALMER

MICHAEL BEASLEY

PUNTOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with