^

PSN Palaro

Lizardo ‘di makakasipa sa Myanmar SEAG

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang  injury na tinamo ni John Paul Lizardo sa idinaos na World Championships sa Mexico noong Agosto ang magtutulak sa taekwondo jin para lumiban sa paglahok sa Myanmar SEA Games.

Nanalo ng ginto si Lizaro sa 2011 Palembang SEAG para tulungan ang Pilipinas na magkaroon ng tatlo sa sparring.  Ang isa pang ginto ay galing sa women’s team sa poomsae.

“Nagkaroon po ako ng hamstring avulsion sa kali­wang hita at next year na ako makakabalik,” wika ni Lizardo.

Papalitan siya ni Francis Aaron Agojo na nanalo ng pilak sa Asian Youth Games sa Nanjing, China at sa Asian University sa Korea.

Magpapasok ang Pilipinas ng tig-anim na jins sa sparring at mangunguna rito si Kirstie Elaine Alora na magtatangka na mapanatiling hawak ang titulo sa heavyweight division.

Bukod kay Alora, si Pauline Lopez, bronze medalist sa 2011 SEAG at gold medalist sa AYG ang inaasahan na manalo habang ang beteranong si Samuel Morrison ay makakatuwang si Agojo sa kalalakihan.

vuukle comment

ASIAN UNIVERSITY

ASIAN YOUTH GAMES

FRANCIS AARON AGOJO

JOHN PAUL LIZARDO

KIRSTIE ELAINE ALORA

PAULINE LOPEZ

PILIPINAS

SAMUEL MORRISON

WORLD CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with