^

PSN Palaro

Lady Troopers makikilatis sa bagitong RC Cola belles

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports

Arena, Pasig City

2 pm PLDT vs Cignal (W)

4 pm  TMS vs RC Cola (W)

6 pm  Maybank

vs Giligan’s (M)

 

MANILA, Philippines - Ipakikita ng nagde­de­pensang kampeon TMS-Philippine Army ang kakayahang maidepensa pa ang titulo sa pagharap sa baguhang RC Cola sa pagpapatuloy ngayon ng Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tinalo ang Cignal para sa kampeonato sa ka­u­na-unahang PSL tournament ilang buwan na ang nakakaraan, ibinalik ng Lady Troopers ang mga inaasahan tulad nina Jovelyn Gonzaga, Tina Salak at Mary Jean Balse at pinalakas ang line-up sa pagkuha kina Wanitchaya Luangtonglang ng Thailand at Yuki Murakoshi ng Japan.

Karanasan ang pangu­nahing sandata ng koponan ni coach Rico de Guzman dahil mga beterano ang kanyang mga players.

Ang laro ay itinakda matapos ang tapatan ng pumangalawa noong nakaraang conference na Cignal laban sa pinalakas na PDLT sa ganap na alas-2 ng hapon.

Hindi makakalaro ang MVP sa nagdaang confe­rence na si Venus Vernal dahil sa injury pero nasa HD Spikers pa rin sina Maureen Ouano, Michelee Datuin at liberong si Jheck Dionela upang makipagtulungan sa mga matatangkad na Chinese imports na sina Xie Lei at Li Zhan Zhan.

 Ang huling laro dakong alas-6 ng gabi ay sa pagitan ng Mayback at Giligan’s sa men’s division at ang papalarin ang makakasalo ng pahingang PLDT sa tuktok ng standings sa apat na koponang liga na may ayuda pa ng Asics, Mikasa, LGR at Solar Sports.

CIGNAL

GILIGAN

GRAND PRIX

JHECK DIONELA

JOVELYN GONZAGA

LADY TROOPERS

LARO NGAYON

LI ZHAN ZHAN

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with