Garcia ‘di pa isusuko ang laban sa Bedans
MANILA, Philippines - Hindi pa handang itaas ang puting bandila ni Letran coach Caloy Garcia kung ang paghahabol sa 89th NCAA men’s basketball title ang pag-uusapan.
Naisuko ng Knights ang unang tagisan sa best-of-three championship series sa 68-80 iskor laban sa three-time defenÂding champion San Beda noong Lunes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“We only lost Game One but we can bounce back if we win Game Two,†wika ni Garcia na nasa unang taon bilang head coach ng Knights.
Tinuran niya na maganda naman ang ipinakita ng koponan sa unang tatlong quarters pero bumigay sila sa huling yugto para manalo ng malaki ang Lions.
Sa pagtatapos ng ikatlong yugto ay lamang pa ang Knights, 53-47, pero kumawala ang tropa ni coach Boyet Fernandez ng 33 puntos sa huling 10 minuto ng labanan para hawakan ang 1-0 kalamangan.
Sina Mark Cruz at Raymond Almazan ay mayroong 22 at 16 puntos pero tinukoy ni Garcia na ang naging problema ng kanyang bataan ay ang kakulangan ng bench support.
Sina Jonathan Belorio, John Tambeling at Jamil Gabawan ay gumawa lamang ng tig-apat na puntos galing sa bench para ilampaso sila ng mga katapat na may 37 puntos.
“I told them (bench) that we can’t rely only on our starters. We will do the necessary adjustments for Game Two,†dagdag ni Garcia.
Sa Huwebes gagawin ang ikalawang tagisan at kahit si Fernandez ay hindi magkukumpiyansa at desidido ang koponan na wakasan na ang serye matapos ang pananalita na binitiwan ng pangunahing supporter na si Manny V. Pangilinan na tumungo sa kanilang dugout matapos ang labanan.
“He was happy we won the game and that may our game speaks well on Thursday. He will be watching us,†wika ni Fernandez sa mga pananalita ni Pangilinan.
Dahil dito, susuriing mabuti ni Fernandez ang tape ng Game One para makita kung ano pa ang dapat nilang pag-ibayuhin para makumpleto ang 2-0 sweep.
Samantala magbibigay ang NCAA ng P100,000.00 tulong para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda na tumama sa malaking parte ng Kabisayaan partikular na sa Tacloban, Leyte.
Ang perang ito ay ibibigay sa Alagang Kapatid Foundation Inc. ng TV5 na isa sa mga nagsasagawa ng pangangalap ng pondo para sa relief operations sa mga nabiktima ng bagyo.
- Latest