^

PSN Palaro

ACS Team diniskaril ang PL Antipolo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinadalan ng ACS Team ang 10-0 bomba sa huling 1:10 ng labanan para makumpleto ang come-from-behind 95-92 panalo sa PL Antipolo sa playoff sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup noong Linggo ng gabi sa Marikina City.

Naiwanan ang ACS Team sa 85-92 iskor sa buslo ni Roger Pogoy pero hindi nila pinaiskor ang PL Antipolo hanggang sa matapos ang labanan.

May 22 puntos si San­tiago para sa  ACS Team na nakuha ang karapatan na labanan ang nagdedepensang kampeon na Hobe Bihon ngayong gabi sa ikalawang playoff para sa awtomatikong semifinals seat sa Group A.

Ang mananalo ay magkakaroon din ng mahala­gang twice-to-beat advantage sa Final Four.

Si Mac Belo ay gumawa ng 34 puntos para sa PL Antipolo na lalaro sa quarterfinals.

Ang dating kampeon na Sta. Lucia Grand Mall ang semifinalist sa Group B nang walisin ang limang laro.

Nanalo naman ang FEU-NMRF saGaling MHS, 80-60, noong Sabado ng gabi para kunin ang huling quarters seat sa ligang inorganisa ni Marikina City Mayor Del de Guzman.

FINAL FOUR

GROUP A

GROUP B

HOBE BIHON

LUCIA GRAND MALL

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY MAYOR DEL

ROGER POGOY

RUDY FRANCISCO CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with