Pingris, Lassiter at Cruz may special awards sa PBAPC
MANILA, Philippines - Pararangalan sina Marc Pingris ng San Mig CofÂfee, Marcio Lassiter ng Petron Blaze at Jervy Cruz ng Rain or Shine bukas sa PBA Press Corps’ “A BanÂquet of Heroes†na iniÂhahandog ng Meralco sa Wack Wack Golf Club sa ManÂdaluyong.
Tatanggapin ni Pingris ang Defensive Player of the Year trophy, habang ibiÂbigay kay Lassiter ang Bogs Adornado Trophy paÂra sa Comeback Player of the Year ng PBAPC.
Inungusan ni Cruz, ang dating UAAP MVP para sa UniÂversity of Santo Tomas, si Reynel Hugnatan ng MeÂralco para sa Mr. Quality Minutes award.
Ang formal affair na magÂsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi sa Banquet B Hall ay magtatampok sa pagÂbibigay ng Coach of the Year at Executive of the Year trophies, ipinangalan kay legendary mentor Baby DaÂlupan at sa namayapang si Danny Floro, ayon sa pagkakasunod.
Mga naglalaban para sa Coach of the Year trophy sina Luigi Trillo ng Alaska, Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee, habang paborito namang manalo ang Team PBA para sa Executive of the Year award.
Ikukuwento ni Manny V. Pangilinan, ang Talk ‘N Text at Meralco team owner at presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, ang pinagdaanan ng Gilas-Pilipinas para maibalik ang bansa sa World Basketball stage.
Ang mga miyembro ng 1973 at 1986 Asian BasÂketball Confederation teams na kagaya nina SamÂboy Lim, Tonichi Yturri, AdorÂnado, Yoyong MartiÂrez, Manny Paner, Jimmy MaÂriano at iba pa ang maÂgaÂgawad ng award sa NaÂÂtionals.
- Latest