Shakey’s V-League All-Stars kasado na
MANILA, Philippines - Itatampok ng Shakey’s V-League sa kanilang pang-10th season ang kauna-unahang Shakey’s All-Star Weekend katuwang ang Smart sa Nobyembre 16-17 kung saan mapapanood ang mga dating bigating mga players at kasalukuyang mga college standouts sa The Arena sa San Juan.
Ibabandera ng ShaÂkey’s team, hahawakan ni coach Nestor Pamilar, sina Mary Jean Balse, Michelle Carolino, Rachel Ann Daquis, Aiza Maizo, Suzanne Roces at Angeli Tabaquero.
Nasa koponan din sina Angelique Dionela, Rubie de Leon, Maureen Penetrante-Ouano at Tina Salak.
Ang Smart team ay paÂngungunahan naman nina Dindin Santiago at Jovelyn Gonzaga, kumuha sa MVP honors sa nakaraang conferences, katulong sina Maru Banaticla, Jamenea Ferrer, Jennelyn Reyes, Gretchel Soltones at Pau Soriano.
Itatampok ng tropa ni mentor Roger Gorayeb sina Alyssa Valdez at Charo Soriano.
“As always, if there is a way for Shakey’s to help, then we will do,†sabi ni Shakey’s executive vice president and chief operaÂting officer Vic Gregorio. “Ten years, matagal-tagal na rin tayo. We went into this hoping to make an impact and further develop volleyball in the Philippines. We’re proud and happy we’ve seen great progress in volleyball, whether it’s the effort of V-League or not, Shakey’s is just happy to be there,†dagdag pa nito.
Bago ang All-Star game sa Nobyembre 17 ay magkakaroon muna ng skills competitions para sa mga fans kasama ang mga V-League players kung saan maaari silang manalo ng mga premyo sa dig relay, dig, set and shoot, service shootout, rocket fire, over and under (setting), precision spiking and dig, at set and shoot (reverse) categories.
- Latest