Trillo, grandslam coach mag-aagawan sa PBAPC’s Coach of the Year award
MANILA, Philippines - Ang mga Grand Slam champions na sina Norman Black ng Talk ‘N Text at Tim Cone ng San Mig Coffee ang makakaagawan ni Luigi Trillo, ang rookie coach na umakay sa Alaska sa Commissioner’s Cup title sa nakaraang PBA Season, para sa PBA Press Corps’ Coach of the Year award.
Iginiya ni Black, nagbigay ng Triple Crown sa San Miguel noong 1989, ang Tropang Texters para sa ikatlong sunod na PBA Philippine Cup, habang inihatid ni Cone, nakakuha ng Grand Slam noong 1996 para sa Alaska, ang Mixers sa Governors’ Cup title.
Ang Coach of the Year award ang isa mga tampok sa PBAPC’s “A Banquet of Heroes†program na inihahandog ng Meralco sa Martes sa Wack Wack.
Paglalabanan din sa programang magsisimula sa alas-7 ng gabi sa Banquet B ang Executive of the Year trophy kung saan paboritong manalo ang Team PBA na pinamumunuan nina chair Robert Non, commissioner Chito Salud at Gilas-Pilipinas backer Manny V. Pangilinan ng Talk ‘N Text.
Maliban sa una niyang PBA crown sa kanyang ikatlong komperensya, tinulungan din ni Trillo ang Alaska sa pagtatayo ng pinakamagandang winning percentage noong nakaraang season, ayon kay chief PBA statistician at PBAPC member Fidel Mangonon III.
Ang .636 winning percentage ng Aces para sa kanilang 35-20 record ang tumabon sa .625 (35-21) ng Talk ‘N Text ni Black. PumaÂngatlo naman ang Mixers na may 38-26 record para sa .594 clip.
- Latest