Baculi bilang na ang araw sa Globalport
MANILA, Philippines - AmiÂnado si Junel Baculi na hindi siya nakatulog nang malaman sa social media na naghahaÂnap si Globalport team owner Mikee Romeo ng kanyang kapalit.
Ayon kay Baculi, walang sinasabi sa kanya si Romero na bilang na ang araw niya sa bench ng Batang Pier.
Kabilang sa mga sinasabing nasa listahan ni Romero bilang kapalit ni Baculi ay sina Nash at Olsen Racela, si Alaska Milk assistant Alex Compton at Air21 mentor Franz Pumaren.
Si Olsen ay dating mentor ng Petron Blaze, habang si Nash, ang head coach ng Far Eastern University sa UAAP, at assistant ni Norman Black sa Talk ‘N Text.
Sa apat, ang American na si Compton, lumaki sa Pilipinas, ang posibÂleng kunin ni Romero para sa kampanya ng Globalport sa darating na 39th season ng PBA.
Binago din ni Romero ang coaching staff ng Batang Pier matapos hugutin sina dating PBA players Richie Ticzon at Mac Kuan at Eric Gonzales, assistant ni Nash Racela sa FEU Tamaraws, bukod pa sa bagong conditioning coach na si Julio Veloso.
Tumapos ang Globalport bilang pang-lima sa nakaraang 2013 PBA GoÂvernors’ Cup na pinaghaÂrian ng San Mig Coffee.
Ang Batang Pier ay kasalukuyang may 17 plaÂyers kasama sina draftees Terrence Romeo, RR Garcia, Niko Salva, Jopher Custodio at LA Revilla bukod pa sa mga bagong hugot na sina rookie center Justin Chua, Rico Villanueva, Eric Menk at Leo Najorda.
Makakasama nila sina Sol Mercado, Jay WaÂshington, Kelly Nabong, Jondan Salvador, Marvin Hayes, Mark Yee, Rudy Lingganay at Jaypee Belencion.
- Latest