UAAP ‘di magdadagdag ng bagong events
MANILA, Philippines - Wakang madadagdag na bagong laro sa UAAP sa hinaharap.
Ito ay matapos ihayag ni UAAP Season 76 President Fr. Maximino Rendon, CM, ng host Adamson na itutulak muna ng liga ang makita na lahat ng walong kasaping paaralan ay maglahok sa lahat ng events na isinasagawa sa liga.
“It’s the UAAP’s objective to see all of its member schools fielding teams in the men’s and women’s and juniors’ division of the 15 sports on the program,†wika ni Rendon.
Sa kasalukuyan ay ang UST, La Salle at UP lamang ang kasali sa lahat ng events na pinaglalaban sa senior’s division upang tumatag ang laban sa overall championships.
Kumpleto rin ang waÂlong paaralan sa limang sports events na men’s at women’s basetball, indoor at beach volleyball, badminton at chess.
Ang Ateneo, FEU, UE, National University ang iba pang paaralan na kasali sa liga.
Ang Adamsom mismo ay hindi sumasali sa lahat ng events dahil wala sila sa men’s swimming, men’s at women’s taekwondo, men’s and women’s football at men’s at women’s lawn tennis.
Ilan sa mga bagong sports na itinutulak ng ibang paaralan ay golf at gymnasÂtics na mga Olympic sports.
- Latest