^

PSN Palaro

Goma papalo sa PSL Grand Prix

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magbibigay ng kinang si actor at multi-sportsman Richard Gomez sa kanyang paglalaro sa isang koponan sa men’s division ng Philippine Superliga Grand Prix 2013.

Kakampanya si Gomez, isang SEAG  medallist bi­lang rower at fencer, para sa PLDT, isa sa apat na tropang lalahok sa men’s club tournament na isasabay sa women’s competition simula sa Linggo.

Ang tatlo pang koponan sa men’s class ay ang Maybank, Systema at ang Gilligan’s Restaurant.

Bukod sa pagiging mi­yembro ng national squads ng fencing at rowing, kilala rin si Gomez bilang isang golfer at motocross enthu­siast.

Nauna nang naglaro si Gomez ng volleyball sa high school at college.

Sinabi ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara na ang presensya ni Gomez ang magpapasikat sa men’s volleyball sa bansa.

“Richard knows the extent of our undertaking in trying to revive men’s volleyball. He selflessly agreed to help us and we are grateful,” sabi ni Suzara.

Ang event na lalaruin sa The Arena sa San Juan ay nakipagambal kay San Juan Mayor Guia Gomez para matulungan ang mga biktima ng lindol sa Bohol.

Ang benta sa tiket sa unang araw ng kompetisyon ay ibibigay sa mga earthquake victims sa pamamagitan ng relief programs ng City of San Juan.

Ang mga tiket ay ma­bibili sa SportsCore office, Unit 220, City Land Vito Cruz Tower 1, 720 Vito Cruz St., Manila at maa­aring tumawag sa 353-3935.

Ang event ay suportado ng Asics, Mikasa, LGR at Jinling Sports, habang ang Solar Sports Entertainment ang patuloy na magiging broadcast partner ng PSL.

 

CITY LAND VITO CRUZ TOWER

CITY OF SAN JUAN

GOMEZ

JINLING SPORTS

PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

RICHARD GOMEZ

SAN JUAN

SAN JUAN MAYOR GUIA GOMEZ

SOLAR SPORTS ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with