^

PSN Palaro

Amit iginiya ang Team Asia sa kampeonato

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi pinahintulutan ni Rubilen Amit na makaba­ngon pa ang Team West nang pangunahan ang dalawang panalo na naitala ng Team Asia tungo sa 10-4 panalo at kunin ang Queens Cup title kahapon sa Resorts World Manila.

Nakipagtambal si Amit kay Ga Young Kim ng Korea para talunin ang mga  British bets na sina Kelly at Allison Fisher, 4-2, para umabante sa hill, 9-3, sa race-to-10 tagisan.

Nagsimula ang aksyon na kung saan hawak ng Team Asia ang 8-3 kalamangan.

Binigyan ni Kelly Fisher ang kanyang koponan na binubuo ng mga manlalaro mula Europe at USA ng kumpiyansa sa 4-0 shutout panalo kay Shi Ming Chen sa singles.

Pero ito lamang ang magandang naipakita ng Team West dahil matapos matalo sa doubles, muling namayanisina Amit, Kim at Chen kina Kelly Fisher, Jasmin Ouschan ng Austria at Vivian Villareal ng USA sa 3-on-3, sa 4-2 iskor para kilalaning kampeon sa unang edisyon ng torneo.

Ang tagumpay ng Team Asia ang kumumpleto sa magandang pagtumbok na naipakita ni Amit matapos hiranging kampeon sa 2013 World Women’s Ten Ball Championship.

vuukle comment

ALLISON FISHER

GA YOUNG KIM

JASMIN OUSCHAN

KELLY FISHER

QUEENS CUP

RESORTS WORLD MANILA

RUBILEN AMIT

SHI MING CHEN

TEAM ASIA

TEAM WEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with