^

PSN Palaro

Knights vs Lions sa NCAA finals dinispatsa ang Stags at Altas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na taon ay magkikita uli sa finals ang San Beda at Letran.

Ito ang magaganap nang durugin ng Lions at Knights ang  Perpetual Help at San Sebastian sa 89th NCAA men’s basketball Final Four kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Umatungal ng ma­la­kas ang mga Lions sa pagbubukas ng huling yugto nang pakawalan ang 15-2 palitan upang ang isang puntos na kalama­ngan sa pagtatapos ng ikatlong yugto ay naging 14 puntos, 53-39, sa huing 5:40 ng labanan.

Pinakamalaking kala­mangan sa laro ay 21 puntos, 70-49, sa panga­lawang tres sa yugto ni Arthur dela Cruz upang manatiling buhay ang paghahabol ng Lions ng ikaapat na sunod na titulo.

Si Ola Adeogun ay may 11 para sa Lions.

Tumapos ng tig-siyam na puntos sina Rome dela Rosa at Dan Sara na gumawa ng 3-tres sa ikatlong yugto para pagningasin ang naunang  malamig na opensa ng Lions.

“Wala na kaming ibang inisip kungdi ang larong ito,” wika ni Lions coach Boyet Fernandez.

Matatandaan na nalalagay sa kontrobersya ang San Beda matapos ang akusasyon ng paglalaro ni Ryusei Koga sa ibang liga kasabay ng NCAA.

Dahil nakabinbin pa ang imbestigasyon, nagdesisyon ang pamunuan ng koponan na huwag ng paglaruin si Koga sa Playoffs.

Ang Knights ang siyang makakatuos uli sa Finals ng Lions matapos mangibabaw sa San Sebastian, 85-58, sa unang laro.

Ang Finals na lalaruin sa best-of-three series ay sisimulan sa Lunes sa MOA Arena.

 

ANG FINALS

ANG KNIGHTS

BOYET FERNANDEZ

DAN SARA

FINAL FOUR

LIONS

MALL OF ASIA ARENA

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with