Giants itutuloy sa 3 sunod ang pagpapanalo
Laro Ngayon
(The Arena, San Juan City)
2p.m. Wangs Basketball
vs Blackwater Sports
4p.m. Jumbo Plastic
vs Big Chill
MANILA, Philippines - Magbabalak uli ang Jumbo Plastic na sosyohan sa liderato ang Cagayan Valley sa pagpapatuloy ngaÂyon ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa The Arena sa San Juan City.
Katipan ng Giants ang Big Chill sa tampok na laro na magsisimula matapos ang pagkikita ng Wangs Basketball at Blackwater Sport sa ganap na alas-2 ng hapon.
Ang Elite ay magnanais na dugtungan ang 87-85 panalo sa Boracay Rum para manatiling malinis sa 14-koponang liga.
Pero hindi dapat magkumpiyansa ang tropa ni coach Leo Isaac dahil naipakita ng Couriers ang kakayahang makipagsabayan nang pahirapan ang Zambales M-Builders sa tinamong 74-76 pagkatalo.
Ang Giants ay umarangkada sa kanilang piÂnakamagandang panimula sa pangalawang pagkakaÂtaon na nasali sa D-League sa 2-0 baraha.
Pinataob ng tropa ni coach Stevenson Tiu ang NU-Banco de Oro, 76-56, bago isinunod ang Café France, 74-70.
Mas balanse ang kopoÂnan ngayon at nakakuha sila ng lehitimong sentro sa katauhan ng nagbabalik na si 6’7 Jason Ballesteros upang trangkuhan ang laban ng Giants.
“We are more balance this time and I think we will be a force to reckon with,†wika ni Tiu.
Titibay ang paniniwala ng coach kung mananalo sa Superchargers na sinuwerte lamang sa 92-91 unang panalo sa NU-Banco de Oro.
Kahit si Big Chill coach Robert Sison ay nagsabi na kailangang higitan ang ipinakita ng koponan lalo pa’t mataas ang morale ng kalaban.
Sina Janus Lozada at Kazim Mirza na gumawa ng 21 at 15 puntos sa unang laro ang magdadala sa opensa pero mahalaÂgang papel ang gagawin ng kanilang bigmen na sina Rodney Brondial at Reil CerÂvantes na kailangang pigilan ang malalaki ng Jumbo Plastic. (ATan)
- Latest