Sa tangkang 7th PCA Title Arcilla dadaan sa butas ng karayom
MANILA, Philippines - Asahan ang magandang labanan sa gagawing 32nd Philippine Columbian Association (PCA) Tennis Championships dahil sa paglahok ng mga batikang netters ng bansa.
Si Johnny Arcilla ay magtatangka sa kanyang ikapitong titulo sa Men’s Open singles habang back-to-back ang pakay ni MaÂrian Jade Capadocia sa women’s division.
Ngunit hindi magiÂging madali ang pakay ng mga ito dahil ang iba pang mahuhusay na netters ay sasali rin tulad nina Marc Sieber, Patrick John Tierro, Francis Casey Alcantara at Alberto Lim Jr. sa kalalakihan habang sina Fil-German Katharina Lehnert, Anna Clarice Patrimonio at Edilyn Balanga ang sa kababaihan.
Halagang P600,000.00 ang kabuuang premyo na inilaan sa kompetisyon katatampukan din ng aksyon sa juniors, Pro-Am doubles, Team tennis at mga bagong events na ExeÂcutive Team at Individual Doubles.
Ang tampok na kompetisyon na Open men’s at women’s ay gagawin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 8 at ang mananalo sa kalalakihan ay mag-uuwi ng P100,000.00 habang P50,000.00 ang premyo sa kababaihan.
Bibigyan uli ng basbas ng Philta ang kompetisyon at may kaukulang Philta points ang makukuha ng mga manlalaro para tumaas ang kanilang national ranking.
- Latest